QUEZON – Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang sugatan sa isang aksidente sa Maharlika Highway, sa bahagi ng Old Zigzag Road entrance sa Sitio Amao, Barangay Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Pagbilao Police, nangyari ang insidente bandang alas-10:15 ng umaga matapos mawalan umano ng kontrol ang isang wing van truck na kargado ng feeds habang bumabagtas sa pababang bahagi ng kalsada mula south direction o Atimonan area patungong direksyon ng bayan ng Pagbilao. Posible umanong nagkaroon ito…
Read MoreAuthor: admin 3
Sinuro ng cargo truck 2 PATAY, 3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 8 SASAKYAN
CAVITE – Patay ang driver ng isang motorsiklo at ang driver ng isang sasakyan, habang sugatan ang angkas ng motorsiklo at dalawang pedestrian kabilang ang 5-anyos na estudyante ng Day Care, at nagresulta rin sa pagkasira ng walong sasakyan makaraang nagkarambola ang mga ito nang mabangga ng isang cargo truck ang isa sa mga sasakyan sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga namatay na sina alyas “Archie”, 42, ng Puting Kahoy, Silang Cavite, driver ng isang Yamaha Mio 125, at “Christian”, 44, driver ng…
Read MoreMAHIGIT 300 OFWs, LIGTAS NANG NAKAUWI SA PINAS
LIGTAS nang nakabalik sa bansa ang 317 Pilipino mula sa Gitnang Silangan sakay ng ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan. Kabilang sa mga repatriate ang 153 overseas Filipino workers (OFWs), kasama ang kanilang 114 pamilya at 50 stranded Filipino passengers. Ang matagumpay na repatriation ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Embassy sa Abu Dhabi, Philippine Consulate General at Migrant Workers Office sa Dubai, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Nagmula ang flight sa Dubai, United Arab Emirates, kung saan maraming OFW…
Read MoreKASO VS VILLANUEVA NASA OMBUDSMAN NA
IPINAUBAYA na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang pagresolba sa malversation complaints laban kay Senador Joel Villanueva. Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, ang Ombudsman ang may hurisdiksyon sa kaso dahil ang sangkot ay may Salary Grade 27 pataas. Paliwanag ni DOJ Secretary Frederick Vida, patuloy ang koordinasyon nila sa Ombudsman at agad nilang isasalin ang lahat ng kaso para sa kaukulang aksyon. Gayunman, nilinaw na hindi awtomatikong isasampa sa korte ang resolusyon ng DOJ dahil maaari itong muling suriin o tuluyang ibasura ng Ombudsman…
Read MorePANGINGIKIL SA NAIA PINAIIMBESTIGAHAN NI VIADO
INIUTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang imbestigasyon kaugnay ng ulat ng media hinggil sa umano’y insidente ng pangingikil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). “Sineseryoso namin ang mga alegasyong ito,” ani Viado. “Mahigpit ang patakaran ng Kawanihan laban sa anumang uri ng maling gawain, kabilang ang paghingi ng hindi awtorisadong bayad at hindi tamang pagtrato sa mga dumarating na pasahero,” dagdag niya. Ayon kay Viado, inatasan niya ang agarang pagsasagawa ng fact-finding investigation, kabilang ang pagtukoy sa mga tauhang naka-duty, gayundin ang pagpreserba at pagsusuri…
Read MoreKung magtatagal krisis sa langis KRIMEN POSIBLENG SUMIPA
NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtaas ng krimen sakaling tumagal pa ang krisis sa langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ito’y kahit iniulat ng PNP na bumaba ng 12.66% ang crime rate mula Enero 1 hanggang Marso 16 ngayong taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Randulph Tuaño, posibleng tamaan ang ekonomiya ng bansa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na maaaring magdulot ng domino effect sa presyo ng mga bilihin. Babala pa niya, maaaring humantong ito sa pagkawala ng trabaho, gaya ng…
Read MorePULIS IKAKALAT SA MGA PALENGKE PARA BANTAYAN OVERPRICING
BUKOD sa mga gasolinahan, asahan na rin ang pag-iikot ng mga pulis sa mga pamilihan matapos iutos ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit nilang babantayan ang mga negosyanteng posibleng magsamantala sa gitna ng oil crisis. Inatasan na ang lahat ng police units na tiyaking walang vendor o retailer ang mag-o-overprice habang tumataas ang presyo ng petrolyo. Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan…
Read MoreP2.2-B LEARNING MATERIALS SA BARMM SINISILIP NG COA
SINISILIP ng Commission on Audit (COA) Special Audit Team ang umano’y malawakang iregularidad at posibleng paglabag sa batas sa pagbili ng learning materials na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Batay sa audit findings, isinagawa ang procurement sa ilalim ng pamumuno ni Education Minister Mohagher Iqbal, kung saan hinihinala ang iba’t ibang paglabag sa umiiral na procurement laws at regulasyon. Sa ulat, isinagawa ang special fraud audit sa utos ni COA Chairman Gamaliel Cordoba noong…
Read MoreUTCPI HUMIRIT NG TAAS-PASAHE SA MOTORCYCLE TAXI
ANG mga kinatawan ng United Transport Coalition Philippines, Inc. (UTCPI) sa pangunguna ni UTCPI President Lisza Buscaino-Redulla (ikalawa mula kanan) kasama si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza (ikatlo mula kaliwa). NAGPAHAYAG ng pangamba ang United Transport Coalition Philippines, Inc. (UTCPI) sa umano’y maagang pagpapatupad ng oil price adjustments na agad nagpapabigat sa mga driver at maliliit na operator. Ayon sa grupo, ang pagtataas ng presyo kahit hindi pa aktuwal na nararamdaman ang paggalaw ng gastos sa merkado ay nagdudulot ng hindi patas na pasanin…
Read More