P26-M SHABU INABANDONA SA NAIA

TINATAYANG aabot sa P26 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) matapos na madiskubre ang isang abandonadong parcel sa Pair Pags Center, NAIA Complex, Pasay City. Sa inisyal na report ng IADITG, nadiskubre ang abandonadong parcel na naglalaman ng ilegal na droga bandang alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles. Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga ahensya na pinangunahan ng PDEA RO-NCR; Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD);…

Read More

UTAK SA VOICE PHISHING SCAM, KOREANO ARESTADO SA BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa malakihang fraud at itinuturong mastermind ng $840,000 voice phishing scam. Kinilala ni FSU Chief Rendel Ryan Sy ang suspek na si Moon Hayoung, 40-anyos, nadakip noong Pebrero 26 sa Barangay Palamis, Alaminos City, Pangasinan sa isinagawang operasyon ng Korean authorities at lokal na pulisya. Si Moon ay may Interpol Red Notice at may arrest warrant mula sa Suwon District Court dahil sa paglabag sa Article 347(1) ng Korea’s Criminal Act. Ayon sa ulat,…

Read More

2 PATAY, 4 SUGATAN SA PAMAMARIL SA PARAÑAQUE

PATAY ang dalawang indibidwal habang apat ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa basketball court sa isang condominium compound sa Brgy. Marcelo Green sa Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi. Batay sa ulat ng Southern Police District, habang naglalaro ng basketball ang mga biktima dakong alas-8:00 ng gabi ay bigla na lamang nakarinig ng malakas na kalabog Kasunod nito ay biglang pumasok ang suspek sa main gate ng basketball court at agad na pinaputukan ang grupo ng mga naglalaro. Kumaripas naman ng takbo sa iba’t ibang direksyon ang mga nanonood sa…

Read More

NOTICE SA IMPEACHMENT CASE NAISILBI NA KAY VP DUTERTE

PORMAL nang naisilbi ng House Committee on Justice ang notice na nag-uutos kay Vice President Sara Duterte na magsumite ng tugon sa dalawang impeachment complaint laban sa kanya. Ipinadala ang notice sa tanggapan ng Office of the Vice President sa Cybergate Plaza sa Mandaluyong City. Batay sa rekord ng Kamara, natanggap ng OVP ang notice alas-10:44 ng umaga noong Marso 5, 2026. Ang dokumento ay pirmado ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro. Sa notice, inaatasan si Duterte na magsumite ng Verified Answer sa loob ng 10 araw mula sa…

Read More

YAMAN NI VP SARA LUMOBO NG 378% SA LOOB NG 16 TAON — RIDON

UMABOT sa halos P70 milyon o 378 porsiyento ang paglaki ng yaman ni Vice President Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024, ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon. Ayon kay Ridon, chairman ng House Public Accounts Committee, batay ito sa mga rekord ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente. Sa datos aniya, nasa P18.493 milyon ang net worth ni Duterte noong 2008, na bahagyang bumaba sa P18 milyon noong 2009. Ngunit sa pinakahuling SALN noong 2023 at 2024, batay sa kopyang hawak ng Office of…

Read More

GOBYERNO PINAGLALATAG NG MGA HAKBANGIN PARA SA PROTEKSYON NG OFWs SA MIDDLE EAST

PINAGLALATAG ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan ng mekanismo para matiyak ang kaligtasan, proteksyon at kahandaan sa repatriation ng mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan. Sa Senate Resolution 321, binigyang-diin ni Aquino ang bigat at panganib na madamay ang mga Pilipino sa mga conflict-affected areas sa Gitnang Silangan matapos ang pagkasawi ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera sa Tel Aviv, Israel. Binigyang-diin ni Aquino na ang kawalan ng katatagan ay banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa lumalawak na saklaw ng…

Read More

GATCHALIAN ATUBILI SA PAG-ALIS NG VAT SA PRODUKTONG PETROLYO

ATUBILI si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa panukalang alisin ang Value Added Tax sa mga produktong petrolyo. Ipinaliwanag ni Gatchalian na mas mahirap imonitor ang VAT dahil mayroon pang tinatawag na input at output VAT na kailangan pang kwentahin. Taliwas anya ito sa excise tax dahil kung ano lamang ang binili mong gasolina ay yun lamang ang babawasan. Muling iginiit ni Gatchalian na ang mga ganitong hakbangin ay huling opsyon na dapat ng gobyerno at mas dapat unahin ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Program. Nangangamba kasi ang senador…

Read More

China pumiyok sa ‘Wolf Warrior Diplomacy’ PAGBUWAG SA UMANO’Y ESPIONAGE NETWORK KINUMPIRMA NG AFP

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadiskubre at pagbuwag sa umano’y mga “espionage network” ng China na sangkot sa paniniktik sa Pilipinas. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mulat ang militar sa mga ulat kaugnay ng operasyon ng naturang network na umano’y nag-ooperate sa bansa. Sinasabing natuklasan at nahadlangan ng mga awtoridad ang ilang aktibidad na kinasasangkutan ng mga Pilipinong nakikipagtulungan na ngayon sa mga imbestigador, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mga dayuhang operasyon na may masamang layunin laban sa bansa. Ipinaliwanag ni…

Read More

SPEAKER DY, ALIN ANG MAS MABIGAT? MAGBIRO O MAY KASONG HINAHARAP?

BALITANG ‘DI KANAIS-NAIS  HINDI sa kinakampihan natin itong si Quezon City 4th Dist. Congressman Bong Suntay sa naging pagbibiro niya tungkol sa “pantasya” sa wikang Pinoy at “imagination” sa salitang banyaga hinggil sa “beautiful” actress na si Anne Curtis na nakasalubong umano niya sa isang mall. Masyado lang binigyan ng malisya ng mga mambabatas ang ginawang pagbibiro ni Cong. Suntay, ayun sinita tuloy siya ng House Committee on Justice at natabunan ang mas mabigat na usapin tulad ng impeachment na kinahaharap ni VP Sara Duterte. Pero hindi ang pagbibiro ni…

Read More