BULLYING SA NARVACAN: SINAPAK AT SINIPA SA HARAP NG KLASE

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG marahas na insidente ng pambu-bully sa loob ng Quinarayan Elementary School sa Narvacan ang umani ng matinding reaksiyon matapos kumalat online ang video ng pananakit. Sa footage, makikita ang isang babaeng mag-aaral na itinulak, hinampas ng bag, sinipa, at paulit-ulit na sinuntok sa ulo habang oras ng tanghalian, hanggang sa tuluyan siyang umiyak. Naganap ang insidente sa loob mismo ng silid-aralan. May iba pang mga mag-aaral sa paligid habang nangyayari ang pananakit. May nanonood lamang. May nagre-record gamit ang cellphone. Kapansin-pansin na walang…

Read More

ENDORSEMENT NI BBM SA 2028 ELECTIONS, “KISS OF DEATH”?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA halip na makatulong ay magiging “Kiss of Death” pa sa isang kandidato ang basbas o endorsement ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa darating na 2028 presidential election. Matatandaan natin na noong 2024 State of the Nation Address (SONA) ni BBM ay ipinagmalaki niya na mayroong 5,500 flood control projects na natapos na at may mga ginagawa pa ang kanyang administrasyon. Kalikasan na mismo ang nagbulgar na hindi totoo ang sinabi ni BBM sa pamamagitan ng mga kalamidad na tumama sa bansa. Binaha ang…

Read More

BI JAIL GINAWANG BEMBANGAN?

BISTADOR ni RUDY SIM NANGANGANIB na kumalat ang sakit na STD at HIV sa piitan ng Bureau of Immigration matapos payagan diumano ng isang mataas na opisyal ng BI na makapasok dito ang mga babaeng mababa ang lipad o nagbebenta ng panandaliang bembang. Ayon sa sumbong na ating natanggap, matapos na palitan ang warden ng BI warden facility ng isang opisyal na naknakan ng ewan, ay tila walang ipinagbago ang kalakaran sa loob at ang piitan ay nagmistulang isang casa o parausan ng mga dayuhang inmates na nais makabembang. Ang…

Read More

LALAKI PATAY SA KAPWA RIDER

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa isang motorcycle rider na binaril ng kapwa rider sa General Trias City noong Martes ng hapon. Naisugod pa sa General Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Ed”, 37, binata, ng Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si alyas “Poks” na sakay ng kanyang itim na motorsiklong Yamaha Mio na may plakang 757UZO, na tumakas matapos ang insidente. Nabatid…

Read More

SUSPEK SA HAZING SUMUKO, PINALAYA; 15 IBA PA PINAGHAHANAP

SUMUKO ngunit agad ding pinakawalan ang 23-anyos na suspek sa hazing matapos bawiin ang kanyang pag-amin sa payo ng abogado. Ayon kay PLtCol Bismarck Mendoza, hepe ng Gen. Trias Component City Police Station, hindi maaaring gamitin laban sa suspek ang boluntaryong pagsuko at pag-amin kung walang extrajudicial confession. Ang suspek na si “alyas John,” 4th year maritime student ng Philippine Nautical and Technological Colleges – Dasmariñas at miyembro umano ng Tau Gamma Phi, ay kusang sumuko kay Gen. Trias City Mayor Jonjon Ferrer bago itinurn-over sa pulisya. Nabatid na si…

Read More

PNP NAGBABALA SA POSIBLENG DISGRASYA SA RILES NA TINAMBAKAN NG LUPA

QUEZON – Nagkaroon ng aberya sa riles ng tren matapos tambakan ng lupa ang isang barangay road crossing sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Ayon sa mga residente, nagpasya umanong tambakan ng makapal na lupa ang bahagi ng riles dahil nahihirapan umanong makatawid ang mga tricycle sa lugar na sakop ng Barangay Taguan. Itinuro pa ng ilang residente ang barangay bilang umano’y nagpasimuno ng naturang hakbang. Ngunit itinanggi ng mga opisyal ng barangay ang alegasyon at sinabing wala silang inilabas na utos para tambakan ang riles. Sa halip, itinuro nila…

Read More

21 PERSONS OF INTEREST SA HAZING SA CAVITE

TINATAYANG nasa 21 indibidwal ang mga suspek at persons of interest sa hazing sa 19-anyos na estudyante sa General Trias, Cavite. Ayon kay Cavite Police Provincial Office Director Police Colonel Ariel Red, nananatili sa kustodiya ng General Trias City Component Police Station ang driver na siyang nagdala sa biktima sa ospital. Aniya, walang katotohanan ang ulat na pinalaya ang naturang driver, binigyan lamang umano ito ng pagkakataong kumuha ng sariling abogado. Nakatakda namang isailalim ito sa inquest proceedings sa Dasmariñas City Prosecutor’s Office nitong Miyerkoles, dahil sa paglabag sa Anti-Hazing…

Read More

2 IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA ‘SUFFICIENT IN SUBSTANCE’

UUSAD na sa presentasyon ng ebidensya ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos ideklara ng House Committee on Justice na “sufficient in substance” ang ikatlo at ikaapat na reklamo. Parehong nakakuha ng 54 boto pabor, isa ang tutol at walang abstention ang reklamong inihain nina Fr. Joel Saballa at Atty. Nathaniel Cabrera. Ang ikatlong reklamo, inendorso ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, ay nakasentro sa umano’y ilegal na paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, korapsyon sa Department of Education noong kalihim pa si Duterte, at pagbabanta…

Read More

VAT BAWASAN KAYSA EXCISE TAX SUSPENSION SA OIL PRODUCTS

MAS nais ni Senador Imee Marcos na bawasan ang 12% VAT sa produktong petrolyo sa halip na alisin ang excise tax. Ayon sa senadora, mas maliit ang mawawala sa gobyerno kung VAT ang gagalawin kumpara sa excise tax na malaking bahagi ng koleksyon ng estado. Iminungkahi rin niya ang paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis at pagpasok sa mas stable at long-term contracts sa regional partners. Gayundin, dapat anyang gamitin ang pagiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kung saan miyembro ang ilang oil producing countries tulad…

Read More