MAKALIPAS ang limang araw na pagtatago, kusang loob na sumuko sa Cavite Police ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Muntinlupa City, noong Sabado ng umaga. Ang suspek na may nakabinbing warrant of arrest dahil sa kasong theft, ay kinilalang si alyas “Roland”, ng Brgy. Nicolas Virata, GMA, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang i-turn over ang suspek kay Police Lt. Colonel Randy Oliquino, hepe ng GMA Municipal Police Station, matapos na kusang loob na sumuko kay GMA Municipal Mayor…
Read MoreAuthor: admin 5
CARWASH BOY PATAY SA PEDICAB DRIVER
PATAY ang isang 21-anyos na carwash boy makaraang saksakin ng balisong sa leeg ng isang pedicab driver habang nag-iinuman sa Tondo, Manila noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mervin Christian Bustilo, binata, empleyado sa carwash shop at residente ng Tondo, Manila. Mabilis namang tumakas ang suspek na si alyas “Julius”, na armado ng balisong. Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas ng 9:55 ng umaga nang tarakan ng suspek ang biktima nang magtalo ang mga ito habang…
Read MoreBEBOT TIMBOG SA P2-M SHABU SA LUCENA CITY
LUCENA CITY – Timbog ang isang babaeng nakatala bilang high value individual (HVI) sa police watchlist, matapos makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng umano’y shabu sa drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Cotta sa lungsod noong Sabado ng gabi. Hindi nakapalag ang suspek na kinilalang si alyas “Ann”, 45, residente ng Brgy. Cotta, nang damputin ng mga mga tauhan ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Lucena SDEU matapos ang transaksyon sa isang babaeng pulis na nagpanggap na buyer. Nakumpiska sa suspek ang isang bag na naglalaman…
Read MoreHIGIT 1M REGISTER APPLICANTS NAPROSESO NA – COMELEC
MAYROON nang mahigit sa isang milyong mga aplikante sa pagpaparehistro, halos isang buwan nang magsimula ang registration period noong Pebrero 12, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia noong Sabado, noong Marso 6 ay may kabuuang 1,027,572 na aplikasyon ang naproseso sa buong bansa sa mga tanggapan ng Comelec, satellite centers at “Register Anywhere Program” (RAP) stations. Ang top regions na may pinakamaraming aplikante ay ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may 187,372; Metro Manila, 156,990; Central Luzon, 111,681; Central Visayas, 79,552;…
Read MorePAF JETS PINADEDEPLOY SA PALAWAN
KASUNOD ng muling pambobomba ng tubig at pagbangga ng China Coast Guard (CCG) ship sa Philippine resupply ship sa Ayungin Shoal kamakailan, nais ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magtalaga o magdestino ng dalawa o tatlo sa 12 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa Palawan. Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Romualdez, “maroon tayong 12 na fighter jets sa Basa Air Base sa Pampanga, baka pwede idestino ang dalawa o tatlo sa mga ito, para naman makapag-patrolya sa Philippine airspace at iba pang lugar around Palawan”. “Hindi…
Read MoreFINANCIAL AID PACKAGES PARA SA PAMILYA NG MGA NAMATAY AT NASUGATANG SUNDALO SA LANAO DEL NORTE, INILABAS NI SPEAKER ROMUALDEZ – DML TULFO
ALINSUNOD na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagpaabot ng tulong pinansyal si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya ng anim na sundalong nasawi at sa anim pang nasugatan sa pakikipagsagupaan sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao del Norte noong Pebrero 18. Ito ang iniulat nitong Linggo ni Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na nagsabing mahigit P4.14 milyong financial, education at livelihood assistance, mula sa personal calamity at emergency funds ng Speaker, ang naibigay sa mga pamilya ng…
Read MoreACT-AGRI KAAGAPAY KINILALA MALAKING PAPEL NG KABABAIHAN SA LIPUNAN
KINILALA ng ACT-Agri Kaagapay ang malaking papel at kontribusyon sa ating lipunan ng kababaihan. Ayon sa Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay na si Ms.Virginia Rodriguez, hindi madaling gawin ang mga bagay at magandang pangarap sa buhay ng isang magulang sa kanyang mga anak at pamilya. Si Ms. Rodriguez ay maagang naulila sa asawa kaya mag-isa nitong kinaya na itaguyod ang kanyang pamilya, buhayin at papag-aralin sa magandang paaralan ang kanyang mga anak. Bukod sa obligasyon sa pamilya sa kabila ng kanyang pagiging solo parent ay tumutulong pa sa mga less fortunate…
Read MorePERWISYO MAS LAMANG SA BENEPISYO SA SIM REGISTRATION LAW
MARAMI pa rin ang hindi kumbinsido na epektibo ang SIM Card Registration Law. Katunayan, kung pupulsuhan ang mga netizen ay mas marami ang nagsasabing lamang ang perwisyo kaysa benepisyo sa nasabing batas. Kung ang Philippine National Police (PNP) naman ang tatanungin, nakatutulong sa kanila ang SIM Reg Law sa pagtukoy sa mga salarin. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kinikilala nito ang papel ng SIM (Subscriber Identity Module) Registration Act sa pagtatatag ng pagkakilanlan ng mga perpetrator o salarin. “Malaking bagay po talaga when…
Read MorePINOY SEAFARERS TIYAKING LIGTAS SA TERROR ATTACKS
NABABAHALA na ang Kamara sa kaligtasan ng Filipino Seafarers dahil sa patuloy pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa commercial vessels na dumadaan sa Red Sea at Gulf of Adens. Ginawa ni House committee on overseas workers affairs chairman Rep. Ron Salo ang pahayag matapos mamatay ang dalawang Pinoy seaman at dalawa pa nilang kababayan ang malubhang nasugatan sa missile attack ng mga rebelde sa sinasakyan nilang barko. “We appeal to the United Nations, world powers and other international organizations to take prompt measures to deter any recurrence of such attacks.…
Read More