IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa binuong Task Force El Niño na huwag hayaang maging biktima ng price manipulators ang Filipino consumers sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño. Tiniyak naman ng Department of National Defense, pangunahing kasapi ng Task Force El Niño, na may mga hakbang nang ginagawa laban sa mga magsasamantala sa basic goods and commodities matapos ang pakikipag-ugnayan ng DND sa Department of Trade and Industry (DTI). Iminungkahi ni National Defense Secretary at Task Force El Niño chair Gilberto Teodoro Jr. sa Department of…
Read MoreAuthor: admin 5
MAYORYA NG PINOY TIWALA SA AFP – SURVEY
LALO pang tumaas ang approval rating ng sambayanang Pilipino sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng nararanasang mga kalamidad at pangha-harass ng China sa West Philippine Sea, base sa isinagawang pag-aaral ng OCTA Research. Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents noong huling kwarter ng 2023. Lumilitaw na 100 porsyento ng mga Filipino respondent ang nagpahayag na mulat sila sa kaganapan at mga ginagawa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Umakyat ito ng 11 puntos mula sa 89% awareness noong Oktubre 2023. Sa mga nagsabing ‘aware’ sila sa AFP,…
Read MoreMANGINGISDA PATAY SA SAKSAK NG MAG-AMA
QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na saksakin ng mag-ama na kapwa niya mangingisda sa Barangay Dinahican, sa bayan ng Infanta sa lalawigan, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Frederick Basila, 42, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto Memorial District Hospital. Ayon sa imbestigasyon, nakasagutan ng biktima ang kanyang mga kapitbahay na mag-ama na sina Custodio Ignacio Avila, 89, at Rafael Gucila Avila, 55, dahil sa matagal nang alitan. Sa kasagsagan ng argumento, kumuha ng kutsilyo sa kanyang bahay…
Read MoreTRICYCLE SINALPOK NG KOTSE, LOLA PATAY
QUEZON – Patay ang isang 91-anyos na lola matapos na tumilapon mula sa sinasakyang tricycle na nasalpok ng isang kotse sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Filomena Villamiel, residente ng Brgy. Angeles, Atimonan. Ayon sa report, dakong alas 8:30 ng umaga, sakay ang biktima sa tricycle na minamaneho ng 63-anyos si Fernando Reyes nang masalpok sila ng kotseng minamaneho ni Stephen Elano, 42, business owner at residente ng Brgy. Tambo, Buhi, Camarines Sur. Nasa shoulder umano ang…
Read MoreFARM CARETAKER PATAY SA BANTAY BAYAN
CAVITE – Patay ang isang 39-anyos na caretaker ng farm nang barilin ng isang Bantay Bayan matapos sawayin dahil sa kalasingan sa Trece Martires City noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Gentri Medical Center ang biktimang si alyas “Michael”, ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City dahil sa tama ng bala sa katawan mula sa ginamit na .22 kalibreng baril ng suspek na si alyas “Elmer”, 44, isang Bantay Bayan, ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Ayon sa ulat, sinaway ng suspek ang biktima dahil sa kalasingan na minasama…
Read MoreKASAMBAHAY KINATAY NG MGA KATRABAHO
LEYTE – Natagpuang duguan at walang buhay ang isang kasambahay sa kanyang kuwarto sa isang apartment sa Brgy. Sta Cruz, sa bayan ng Palo sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng Palo Police ang biktima sa pangalang “Dylen”, 31, ng Barangay San Antonio, Palo. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, natagpuang may tama ng 50 saksak sa katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. Huling nakitang buhay ang biktima dakong ala-1:00 ng hapon at nadiskubreng walang buhay dakong alas-6:30 na ng gabi. Sinasabing dalawang babae na kasama sa…
Read MoreCHOPPER NAG-EMERGENCY LANDING DAHIL SA SARANGGOLA
BOHOL – Nag-emergency landing ang isang pribadong helicopter nang masabitan ng nylon wire ng isang saranggola na pinalilipad sa Sitio Santa Lucia, Barangay Trinidad Hills, sa bayan ng Guindulman, sa Bohol noong Huwebes ng umaga. Laking gulat ng mga residente at napasugod sa lugar nang makita ang chopper na bumaba sa malawak na bukid dakong alas-11:30 ng umaga. Sa video ng isang netizen, isang bahagi ng helicopter ang nasabitan ng nylon wire ng saranggola at pumulupot sa rotor mast habang nasa 2,000 feet ang taas ng paglipad. Ang nasabing helicopter…
Read MorePARAK ISINUNOD SA PINASLANG NA MISIS
PATAY at may tama ng punglo sa ulo nang matagpuan ang isang tauhan ng Philippine National Police-Police Regional Office 5, na umuwi lamang mula sa burol ng kanyang misis na pinatay rin ng hindi pa kilalang suspek, tatlong araw lamang ang nakalilipas, sa Masbate City. Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Police Lt. Col. Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-PRO5, natagpuan ang duguang bangkay ni Police Officer Samuel Baruelo Jr., 31, bandang ala-1:30 ng hapon noong Huwebes, na may tama ng bala ng baril sa ulo sa Barangay Buenasuerte matapos na magpaalam…
Read MoreCADC IMPLEMENTATION WALANG KAUGNAYAN SA PAGHAHANDA NG CHINA ARMED FORCES – DND
NILINAW ng Department of National Defense na walang kaugnayan sa lumabas na ulat hinggil sa paghahanda ng China para sa posibleng paglala ng maritime dispute, ang inilabas na policy statement ng kagawaran hinggil sa implementasyon ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC). Nabatid na sinimulan na ng DND at Armed Forces of the Philippine ang pagpapatupad ng kanilang CADC. “In plain language, we are developing our capability to protect and secure our entire territory and Exclusive Economic Zone (EEZ) in order to ensure that our people and all the generations of…
Read More