AWOL NA PARAK, INASINTA SA ROOFTOP

PATAY ang isang 49-anyos na AWOL na miyembro g Philippine National Police (PNP) matapos barilin ng isang sniper habang nag-eehersisyo sa rooftop ng kanyang penthouse sa Malate, Manila noong Huwebes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila sanhi ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang kinilalang si Police Officer 3 Rolando Yulo, ng #740 Balungkit St., Malate.

Batay sa ulat ni Det. John Paul Rojo ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang pamamaril bandang alas-6:00 ng gabi habang nag-eehersisyo ang biktima kasama sina Roman Alvarez, 20, at Richard de Asis, 19-anyos.

Napag-alaman, si Yulo ay nag-AWOL sa tungkulin sa kasagsagan ng kampanya ng gobyerno laban sa mga mga pulis na sangkot sa ilegal na droga. (RENE CRISOSTOMO)

388

Related posts

Leave a Comment