AYUDA MULA SA AICS, TUPAD IPINAMAHAGI

PINASINAYAAN ni Senator Joel Villanueva ang mga payout ng sweldo at financial assistance sa mahigit 2,500 beneficiaries mula sa emergency employment at ayuda programs sa bayan ng Bocaue nitong Miyerkoles, Nob. 24.

Isinabay ang aktibidad sa paggunita sa kaarawan ng yumao niyang kapatid na si Mayor Joni Villanueva- Tugna. Kasama ng senador ang kapatid na si former Mayor Jon-Jon Villanueva at bayaw na si dating CIBAC Party-List Congressman Sherwin Tugna, at ang buong grupo ng Team Solid.

Nabatid na umabot sa 1,281 beneficiaries ang tumanggap ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout na ginanap sa Lolomboy Elementary School.

Kasabay rin nito ang payout sa 1,276 na manggagawa sa ilalim naman ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) emergency program.(ELOISA SILVERIO)

155

Related posts

Leave a Comment