(Ikalawang bahagi)
Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod at pag-aangat sa kalagayan ng mga Filipinong nanay, ninanais na dagdagan ang bilang ng maternity leave ng mga nanganganak na kababaihan.
Mula sa dating dalawang buwan, ninanais ng nakahain na bill sa Senado na bigyan ng 120 araw na maternity leave ang mga nanay, kasal man sila o hindi. Para sa mga single parents, sila ay nila-layong bigyan ng 150 na araw ng maternity leave.
Kung nanaisin pa ng isang nanay na dagdagan ang leave dahil kinakailagan, maaari pang mag-file ng karagdagang 30 araw pero wala nang bayad ito. Maaari ring ilipat ng nanay ang 30 araw sa leave niya sa asawa o ibang kaanak na tumutulong sa kanya para makaagapay sa mga hamon na dulot ng panganganak.
Kung maipapasa ang bill na ito, hindi maitatangging malaking tulong ito sa mga nanay na Filipino lalo na yaong walang kakayahang magbayad ng kasambahay.
Ang batas na ito ay nagpapakita ng pagkilala sa kahalagan ng mga mahahalagang salik na kailangan para matagumpay ang pangananak, naalagaan ang kalusugan ang kapakanan ng parehong ina at anak.
Una, mas mabibigyan ng mas mahaba-habang panahon ang ina para pangalagaan ang kanyang sarili at ibalik ang lakas ng katawan na nanghina dahil sa panganganak.
Sa mas mahabang panahon din matitiyak na mapapasuso ng ina ang kanyang anak, mapag-tuunan niya ito ng sapat na atensiyon at panahon. Isa pa, matitiyak din ang pagkakaroon ng mata-tag na attachment sa pagitan ng mag-ina, isang bagay na, ayon sa marami ng resulta ng pag-aaral, ay isa sa sandigan ng malusog relasyon ng magulang at anak.
Alam na rin natin na ‘pag maayos ang ugnayan ng magulang at anak mula pagsilang, mas lalaking malusog ang sanggol hindi lamang sa aspetong pisikal, sa emosyonal at sikolohikal man na aspeto.
At ang isang batang napangalagaan ang kabuuan kanyang kalusugan sa loob ng tahanan noong umpisa pa lang ay mas magiging maayos sa pakikisalamuha sa iba at mas matatag sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay sa mas malawak na komunidad. (Psychtalk / EVANGELINE C. RUGA, PhD)
