Mga may sakit nganga sa ayuda P195-M PONDO BINURO NI LENI

(NELSON S. BADILLA)

UMABOT sa kabuuang P195.1 milyong pondo para sa “medical assistance program” (MAP) ng milyun-milyong Filipino ang nadiskubreng ‘nakaparada’ pa sa tanggapan ni Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo.

Nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na hindi pa pala inilabas ni Robredo ang P195.1 milyon mula sa P317.9 milyong pondo para sa MAP 2019.

Ayon sa COA, ang nasabing multimilyong pera ay ayudang pinansiyal para sa pagpapaospital ng mga “indigent” (pinakamahihirap) na Filipino sa buong bansa.

Nakasaad sa mismong “accomplishment report” ng Office of the Vice President (OVP) na P122.8 milyon pa lamang ang naibayad sa mga ospital.

Bale, 38.64 porsiyento lamang ang P122.8 milyon na ito ng P317.9 milyon.

Napakalayo sa kalahati.

Napabalitang inihayag ni Robredo na walang naganap na korapsyon sa binanggit ng COA na multimilyong perang nanatili sa OVP.

Wala namang binabanggit na ganito ang COA.

Idiniin lang ng COA na taliwas ito sa diwa at layunin ng Presidential Decree 1445, o ang Auditing Code of the Philippines.

Idineklara at ipinag-utos ng PD 1445 ang pagtitiyak na “episyente” ang pangangasiwa at paglalabas ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa pondo ng bawat ahensiya ng pamahalaan.

Ang OVP ay nagbibigay ng P25,000 tulong sa bawat pasyente na kuwalipikado sa chemotherapy, radiation, branchy therapy.

Umaabot naman sa P15,000 kung surgery, operasyon, transplant at ospitalisasyon ang kailangan ng bawat pasyente.

Ang mga pasyenteng sasailalim sa hemodialysis o implant ay P10,000 ang matatanggap sa opisina ni Robredo.

Ang pinakamababa ay limang libo para sa mga pasyenteng diagnostic at laboratory procedures ang kakailanganing gastusan.

Hindi bibigyan ng ayuda ng opisina ni Robredo kung may kakayanang magbayad ang sinomang pangkaraniwang tao.

Si Robredo ay inaasahan ng napakaraming Filipino na nangunguna sa pagtulong sa mahihirap dahil ikalawa siya sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.

Matatandaang matindi ang hagupit ni Robredo sa pinaniniwalaan niyang kapalpakan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng mga solusyon sa kaliwa’t kanang suliranin ng bansa mula nang hagupitin ng coronavirus 2019 (COVID – 19) ang napakaraming panig ng bansa mula noong Marso.

150

Related posts

Leave a Comment