Babala ni Ruiz sa mga smuggler BILANGGUAN NAGHIHINTAY

Ni JOEL O. AMONGO

MAHABA-HABANG bakasyon sa likod ng malamig na rehas ang salubong ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng bagong taon para sa mga sindikato sa likod ng mga puslit-kontrabando – at ma­ging sa hanay ng mga tiwali sa gobyerno.

Pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kilala na niya ang mga tao sa likod ng mga illegal smuggling activity sa iba’t ibang sulok ng bansa, kasabay ng babala sa napipintong pag-aresto sa smugglers na nasa kanyang talaan.

Gayunpaman, nilinaw ni Ruiz na may pagkakataon pa naman aniya ang mga sindikato na ituwid ang kanilang mga atraso sa gobyerno sa paraang pagbabayad ng nararapat na buwis at taripang kalakip ng kanilang mga ipinuslit na kargamento.

“I relay this message to all the smugglers. Stop it and pay the lawful revenues to the go­vernment,” ani Ruiz, nagsilbing operatiba sa mahabang panahon bago pa man hinirang sa kanyang kasalukuyang pwesto.

In a strongly worded statement, Ruiz said there is no way for smugglers to hide because the Bureau of Customs can find them wherever they go. “Mahuhuli pa rin namin kayo.  We are very good at doing that. Masasayang lang pera n’yo,” banta pa ng BOC chief.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na bigyang-pagkakataon ang kawanihan para linisin ang ahensyang kilala lang dati sa katiwalian.

“Huwag niyo po kaming awayin, huwag niyo po kaming iba-bash because everything we do right now is for your advantage,” aniya pa.

Sa datos ng ahensya, umabot na sa 635 ang kabuuang bilang ng mga inilunsad na operasyong nagbigay-daan sa pagsabat ng P23.213-bilyong halaga ng mga kargamento mula Enero hanggang Nob­yembre ng kasalukuyang taon.

Sa nasabing halaga, P1.098 ang pasok sa kategorya ng produktong agrikultura habang nasa P11.943 bilyon naman ang droga. Pumalo na rin aniya sa 29 katao ang inaresto ang sinampahan ng karampatang kaso sa husgado.

Bago pa man itinalaga sa BOC, nagsilbi sa loob ng 13 taon ang BOC chief bilang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at bahagi ng mga matagumpay na operasyon kontra droga sa limang rehiyon kung saan naman siya hinirang na regional director.

Taong 2017 nang hirangin bilang hepe ng BOC-Enforcement and Security Service ang ngayon ay BOC chief na si Ruiz.

Pag-amin pa niya, hindi mahirap para sa kanya ang alamin ang pagkakakilanlan ng mga smuggler, at maging ang pangangalap ng mga ebidens­yang magdiriin sa kanila.

“So that is the thing that I am doing right now. I implement measures that improve the capability of the BoC against contrabands. I am not a lawyer. I am not an accountant. My expertise is in law enforcement. That’s my God-given gift. I am good at finding people.”

221

Related posts

Leave a Comment