BAGONG CHINESE AMBA SUMILIP SA NBI

BUMISITA sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bagong talagang Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Ambassador Jing Quan.

Nakipagpulong si Jing kay NBI Acting Director Angelito Magno kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa laban sa transnational crimes.

Ayon sa Chinese Embassy, napagkasunduan nina Jing at Magno na panatilihin ang maigting na komunikasyon at koordinasyon ng China at Pilipinas sa pagsugpo ng iba’t ibang krimen na lumalagpas sa hangganan ng mga bansa.

Napag-usapan din ang pagbibigay ng mas maginhawa at episyenteng serbisyo sa mga Chinese national na nasa bansa, gayundin ang pagsusulong ng normal na personal exchanges at pagpapalawak ng praktikal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang NBI kaugnay sa naturang pagpupulong.

(CHAI JULIAN)

3

Related posts

Leave a Comment