RICKY REYES HAIR CLINIC BINUKSAN SA MANDALUYONG

PORMAL nang binuksan ng beauty icon at industry trailblazer na si Ricky Reyes ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa California Garden Square sa Mandaluyong City.

Pinangunahan ni Reyes ang grand opening na dinaluhan ng ilang kilalang personalidad kabilang si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Ms. Stephanie Aquino na siyang branch owner at Head ng Ricky Reyes Hair Clinic Franchising Department, Tonette Moreno na Head ng Ricky Reyes Corporation, at si Ritchie Pascual, General Manager ng Megaworld Lifestyle Malls.

Nagpakita rin ng matibay na suporta ang lumalawak na franchise network sa pagdalo nina Ms. Jo-ann Uy ng Antipolo branch, Ms. Ivy Barmaceda ng Batangas branch, at Ms. Flor Santos ng Fairview branch.

Lalong pinasigla ang selebrasyon sa presensya ni Joy Barcoma na nagdagdag ng kariktan at star power sa nasabing okasyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

79

Related posts

Leave a Comment