IKINATUWA ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang inilabas na resolusyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa bagong patakaran upang mapadali ang aplikasyon para sa parole at executive clemency sa mga People Deprived of Liberty (PDL) lalo na sa mga senior citizen.
Ito ay upang mapaluwag ang mga bilangguan bunsod ng COVID-19 pandemic.
“We welcome the DOJ’s move, which speaks highly of their compassion and reassures us that the ears of our legal authorities are not deaf to our pleas for humanity,” ani Nograles na isang Harvard trained lawyer.
Base sa bagong resolusyon ng Board of Pardons and Parole (BPP), sinemplehan ang proseso sa pag-a-apply ng executive clemency at pinalawak din ang coverage nito kaya inaasahan na makatutulong para mapaluwag ang mga bilangguan sa buong bansa.
Maaari nang mag-apply ng executive clemency ang mga PDL na edad 65-anyos kapag umabot na sa limang taon ang binuno nila sa kanilang sentensya at maging ang mga
may sakit na irerekomenda ng mga doctor ng Bureau of Corrections (BuCor) at inayunan ng Department of Health (DOH).
Hindi kasama sa makikinabang sa bagong rules ang high risk inmates at mga nasentensyahan sa mga karumal-dumal na krimen tulad ng ilegal na droga.
Inaasahang mapadadali na ang pagpapalaya sa mga PDL dahil maraming requirement ang sinimplehan na lamang na karamihan ay documentary requirement maliban sa “Court
Certifications of No Pending Case and No Pending Appeal, and a check on the records of the PDL at the National Bureau of Investigation” at inatasan din ang BPP na
doblehin ang kanilang caseload review upang mapabili ang pagpapalaya sa kuwalipikadong PDLs.
“We are confident that our authorities will be efficient in implementing this directive, since based on President Rodrigo Duterte’s latest report, the Bureau of Jail Management and Penology already has an initial list,” ayon pa kay Nograles.
Sa report aniya ng BJMP, umaabot sa 3,384 ang matatandang PDL na edad 60-anyos pataas na hindi kabigatan ang kasong kinakaharap, 1,927 ang may sakit at 804 ang “non-recidivists” na pawang kuwalipikadong mapalaya.
Nakatakdang ipatupad ang implementing rules sa Mayo 15 o pagkatapos ng 15 araw na publikasyon subalit habang inaantay aniya ito ay dapat ituloy ng DOH ang ,pagpapalabas ng PDLs gamit ang lumang sistema lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease.
“Sana hindi tayo magpatali sa date ng implementation, otherwise it might be too late. We don’t want a scenario where instead of implementing a preventive measure, we would be dealing with a full-scale disaster instead,” ani Nograles.
Ayon sa mambabatas, kinumpirma ng BuCor na tatlong inmate na ang namatay dahil sa COVID-19 na kinabibilangan ng dalawa mula sa Correctional Institution for Women at isa mula sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison habang 47 pa ang nagpositibo sa nasabing virus sa CIW.
Bukod ito sa siyam na PDL at siyam na staff sa Quezon City Jail at 126 inmates, at 20 personnel naman sa Cebu City Jail ang nagpositibo sa COVID-19.
“We hope that this is only the first of many other steps the government takes to address the threat of infection in our congested prisons. Dumarami na ang bilang ng COVID positive sa ating mga selda, kaya kailangan ng agarang aksyon,” ayon pa kay Nograles, founder ng Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund na inorganisa upang suportahan ang legal aid activities sa bansa.
“Gumagawa tayo ng mga hakbang, sa pakikipag-ugnayan natin sa BJMP, para masigurong makakapanayam pa rin ng ating mga PDL ang kanilang mga abogado kahit suspended ang visitation rights,” ayon sa mambabatas na kamakailan ay nag-donate ng 25 sets ng computers sa BJMP at para sa e-dalaw program sa mga bilangguhan upang makausap ng mga PDL ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng skypes lalo na’t hindi sila nadadalaw dahil sa ECQ habang nakatakda ring magbigay ng 15 sets ng computer ang foundation ni Nograles sa Visayas at Mindanao.
“These consultations will come in handy especially in light of the implementationof the Interim Rules. Makakatulong ang e-dalaw na mabigyang-linaw ang mga PDL sa
kalagayan nila, lalo na sa isyu ng eligibility for parole or executive clemency,” ani Nograles.
