BINUKSAN na ang bagong tayong swabbing center ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Maynila matapos itong inspeksyunin ng mga awtoridad kahapon.
Ang Palacio De Manila tent na matatagpuan sa Roxas Boulevard at ginawang swabbing center ay binisita kahapon nina COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Health Secretary Francisco Duque III at Philippine Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia.
Ang naturang pasilidad ay mayroong 65 specimen collection booths na itinayo para tiyakin ang proteksiyon ng health workers.
Dito rin posibleng ma-detect ang mga pasyenteng may virus at mula roon ay maari na silang i-isolate. D ANIN
