BAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON

BACK to work na naman tayong mga Pinoy ngayong Bagong Taon (2021) mula sa mahabang pahinga nitong nakalipas na holiday season.

Ika nga ‘Bagong Taon, Bagong Pagkakataon’ para sa ating lahat ang pagpapasok ng 2021.

Para sa mga naniniwala sa Chinese Horoscope ang 2021 ay Year of the Metal Ox.

Ang taong ito raw ay lucky at perfect para sa mga nag-iibigan maging magkasintahan o kahit pa mismo sa mga mag-asawa na.

Ibig sabihin nito maiiwasan ang sinasabing hiwalay ang puti sa dekolor na mga ­magkasintahan at mag-asawa dahil magiging matamis ang kanilang buong taon ng 2021.

Masipag at mapamaraan (Hardworking and methodical) din daw ang taon ng Ox.

Siyempre pag masipag at mapamaraan ang isang tao ay mayroon siyang pabuya sa kanyang sarili.

Nangangahulugan lamang na marami ang uunlad sa taong ito.

Ang Chinese Horoscope ay isang prediksyon lamang at hindi garantiya na uunlad ang tao kung hindi siya gagawa.

Bukod sa paggawa ay kailangan din natin samahan ng panalangin sa Panginoon na tayo ay patnubayan niya.  Kung baga ‘Sa Dios ang Awa, sa Tao ang Gawa’.

Sabi pa nga ng bilyunaryong si Jack Ma na kung gusto ng isang tao na umunlad siya ay dapat magkaroon ng disiplina sa kanyang sarili.

Ayon pa sa kanya, maraming tao ang umuunlad na nakakaalpas sa mga pagsubok sa kanya.

Sinabi pa ng negosyante na ‘wag natin aawayin ang ating kumpetensiya sa negosyo sa halip ay kaibiganin natin siya.

Sinabi pa niya na lalong ­uunlad ang isang tao kung siya ay tumutulong sa kanyang kapwa.

‘Wag din daw tayo susuko kung pagka minsan ay bumagsak tayo, dahil dito tayo matututo sa buhay.

Subok ng subok hanggang sa tayo ay magtagumpay sa ating mga pangarap.

Sabi pa niya na hindi niya akalain na umunlad siya dahil nagmula siya sa napakahirap na pamilya sa China.

Sa ating mga Pinoy, ­maraming potensiyal na umunlad ngayong taon dahil ang mga ­Pilipino ay isa sa pinakamatiyaga at matibay sa lahat ng pagsubok.

Kailangan lang natin bawasan ang pagiging mabisyo at pokus sa pagkakakitaan.

Naranasan na natin nitong nakaraang taon (2020) ang hirap na inabot natin dahil sa pandemic ng COVID-19.

Simula pa lang ng taon ng 2021 ay pumutok ang ­bulkang Taal, malalakas na bagyo, ­kriminalidad na gawa ng tao at ang pinakamatindi na hanggang ngayon ay nararanasan pa ng buong mundo na COVID-19.

Bagamat may pandemic ay may mga taong umunlad sa pamamagitan ng online business kaya tama ang sinabi ng ­negosyanteng si Jack Ma na ang pag-unlad ay walang pinipiling panahon.

Basta kailangan lang ng isang tao ay maging creative siya at magkaroon ng disiplina sa kanyang sarili.

Masuwerte ang Pilipino sa panahon ngayon dahil may matatag na administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At sana ang pumalit sa kanyang administrasyon sa 2022 elections ay maging matatag ang paninindigan at suporta sa mga negosyante at mga ordinaryong mamamayan.

                                                                                                                                                                        oOo

 

Para sa reaksyon at suhestiyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.

153

Related posts

Leave a Comment