Bagong task force kontra kalamidad binuo NDRRMC NAGMISTULANG INUTIL

NELSON S. BADILLA

BUMUO ng panibagong task force si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagkakataong ito ay naglalayong mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo at mabilis ding aksyon sa rehabilitasyon ng mga lugar na labis na napinsala.

Ayon kay Atty. Harry Roque Jr., si Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea ang hepe ng Build Back Build Better Task Force (BBBBTF).

Itinayo ni Duterte ang BBBBTF kasunod ng binuong mega task na mag-iimbestiga naman sa korapsyon sa buong ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Mula nang maging pangulo si Duterte, marami nang task force siyang naitayo, kabilang na ang kontra sa ilegal na droga.

Naniniwala si Duterte na mabilis ang resulta ng trabaho, tungkulin at obligasyon ng pamahalaan kung mayroong task force.

Bagamat kitang-kita na pareho ang trabaho, tungkulin at obligasyon ng BBBBTF at National Disaster Risk Management Council (NDRRMC), idiniin ni Roque na iba pa rin ang BBBBTF kumpara sa huli.

Sa BBBBTF, maaaring magpasya si Medialdea nang walang pulong na isasagawa ang ibang opisyal upang kunin ang mga pananaw ng huli, banggit ng tagapagsalita ni Duterte.
Ang pangunahing gawain ng BBBBTF ay nakapokus sa pagtitiyak na mabilis ang distribusyon ng ayuda sa mga biktima ng bagyo at mabilis ding rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar, patuloy ni Roque.

Hindi magpapasya si Medialdea laban sa quarrying, pagmimina at ilegal na pagtotroso kahit ang mga ito ang nakikitang dahilan ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Luzon nang rumagasa ang mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Ang NDRRMC ay itinatag noong Mayo 2010 bilang National Disaster Coordinating Council (NDCC).
Inilagay ito ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa ilalim ng Department of National Defense (DND) at pangunahing ahensiya na kumikilos kapag mayroong bagyo sa bansa.

111

Related posts

Leave a Comment