BAGYONG FLORITA LALONG LUMAKAS

LALONG lumakas ang bagyong Florita na kahapon ay huling namataan ang sentro sa layong 215 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos pa Kanluran Timog Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Florita ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75  kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Batay sa direksyon na tinatahak ito, posibleng mag-landfall ang bagyo sa vicinity ng east coast ng Cagayan o Northern Isabela ngayong hapon.

Inilagay naman sa public storm signal number 2 ang eastern portion ng Cagayan tulad ng Enrile, Tuguegarao City, Peniablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Sta. Teresita, Buguey at Sta. Ana, Eastern portion ng Isabela na kinabibilangan ng Cabagan, San Pablo, Sta Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano,  Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Sto Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Cauayan City, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven at Dinapigue, Dulong Hilagang Bahagi Ng Aurora – Dilasag At Casiguran At Northeastern Portion ng Quirino – Maddela.

Nasa public storm signal number 1 naman ang nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela at Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Northern Portion Ng Aurora – Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis at Northern Portion Ng Polillo Island – Panulikan At Burdeos.

Kaugnay nito, dalawang malaking dam sa Northern Luzon na posibleng daanan ng TS Florita ang nagsimula nang magpakawala ng tubig.

Ang Binga Dam sa Benguet ay nagbukas ng isa sa kanilang mga gate na nasa 0.30 meter.

Samantala, ang Magat Dam sa Isabela ay nagbukas din ng isang gate ng dam na nasa 0.50 meter. (JESSE KABEL)

190

Related posts

Leave a Comment