2 BABAE, 2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA KOTSE

patay

RIZAL – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa pagpatay sa apat na katao, na kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki, na natagpuang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban.

Ayon sa inisyal na ulat, natagpuan ng ilang residente ang kotse na may plakang NGU-1923 at nasilip sa loob nito ang duguang bangkay ng mga biktima.

Nabatid mula kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., iniimbestigahan nila kung baril o matalas na bagay ang ginamit sa brutal na pagpatay at kung sino ang mga biktima.

Sa pagitan ng alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Montalban PNP hinggil sa natagpuang kotse na mayroong apat na bangkay sa loob nito sa Sitio Balagbag, Brgy. San Isidro ng nabanggit na bayan.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng mga bangkay at kung saan pinatay ang mga ito. (ENOCK ECHAGUE)

181

Related posts

Leave a Comment