(NI BERNARD TAGUINOD)
LUMALABAS na ang pagdetalye ng Senado sa kanilang mga “amendments” sa National Budgt ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit hindi inilalabas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P3.757 Trillion budget ngayong taon.
Isang buwan na sa Biyernes na hawak ng Kamara ang national budget na kanilang niratipikahan noong Pebrero 8, 2019 subalit hindi pa ito ibinibigay sa Office of the President para lagdaan.
“We have been insisting to our friends in the Senate to fully disclose the authorship and details of the Senate amendments to the budget,” pahayag ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr.
Magugunita na natuklasan sa Bicameral conference meeting ng mga kinatawan ng Senado at Kamara na mayroong P190 Billion a “institutional amendments” ng mga Senador sa national budget habang mayroon namang P51 Billion ang mga Kongresista.
Pinagtibay sa Bicam meeting ang national budget na tanging ang mga Kongresista lamang ang nagdetalye kung sino-sinong mambabatas ang nakinabang sa P51 Billion at kung anong proyekto ito gagamitin habang hindi naman naglabas ng detalye ang Senado ukol sa P190 Billion “institutional amendments” ng mga ito.
“We believe that by detailing the items in the budget, by enumerating what will be funded, projects and programs, per agency and by district , will be clear and evident,” ani Andaya.
“If the procedure being undertaken by the House is illegal, then the Senate is equally guilty if on its part it had itemized the pet amendments on the budget by the senators ,” dagdag pa nito.
Dahil dito, umapela si Andaya sa kanyang counter-part na si Senate Finance committee chairperson Sen. Loren Legarda na magpatawag sila gn joint press conference para idetalye ang bawat amendments ng mga senador at congressmen sa natonal budget.
“After all, transparency and accountability is the name of the game,” ang makahulugan mensahe ni Andaya.
