Baka sumablay ulit sa bilang WALA MUNANG TARGET SA 2ND WAVE NG NAT’L VACCINATION

WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukonsidera rin nila ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU.

“Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami nagbibigay ng target is kailangan matandaan po natin na—or maintindihan natin na tuluy-tuloy pa naman ‘no, tuluy-tuloy pa rin iyong ginagawa nating bakunahan,” ayon kay Nograles.

Maganda rin naman ang performance ng mga lokal na pamahalaan at ang gagawin na lang, ani Nograles ay magkaruon ng recalibration.

Mula ruon ay saka na lang sila maglalabas ng indicative target.

Nitong nakaraang unang Pambansang bakunahan, siyam na milyon ang tinarget na maturukan ng vaccine para sa tatlong araw na pagbabakuna.

Ngunit hindi ito naabot dahil higit walong milyon lang ang nabakunahan.

“So all the way up to December 15 mayroon pa ring ongoing vaccinations na ginagawa. So depende sa supply, depende—although wala na tayong problema sa supply, depende na rin siguro sa pagsi-set ng targets per LGU,” ani Nograles. (CHRISTIAN DALE)

395

Related posts

Leave a Comment