(NI VTROMANO)
LAS VEGAS – PATUTUNAYAN ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ‘Life begins @ 40.’
Ang ganda ng ngiti ni Pacquiao sa kabuuan ng official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena, mababakas sa kanyang mukha ang kumpiyansa sa 12-round battle nila ni Adrien Broner, kung saan taya ang kanyang WBA welterweight belt.
Unang tumapak sa timbangan si Broner at tumimbang ng 146.5 pounds.
Naghiyawan ang mga tagasuporta ni Pacquiao nang ianunsyo ang kanyang timbang na 146 pounds.
“I’m happy to be back here and happy to fight tomorrow night,” sambit ni Pacquiao.
Idinagdag pang: “Forty is just a number, it doesn’t matter that I’m 40 years old — I feel young. “Tomorrow I have something to prove: that at 40 I can still be at my best … I want to prove that Manny Pacquiao is still there.”
Determinado naman si Broner, pinakabatang boksingero na naging four-division champion, na agawin kay Pacquiao ang entablado.
“This is a hell of an opportunity. I’m not just doing this for me, I’m doing this for the hood. After I win tomorrow night, I’ll be a legend overnight. I just have to do me. You’ll see tomorrow night,” deklara ni Broner.
Kapansin-pansin sa weigh-in na hindi pa nagpapaahit si Broner.
Matapos ang weigh-in, lalong naging liyamado si Pacquiao, -320, habang si Broner ay +250. Ibig sabihin, ang pustang $320 ay kakabig lang ng $100. Habang ang $100 bet kay Broner ay mananalo ng $250.
Mula nang ihayag ang laban ay liyamado si Pacquiao, hanggang bago ang weigh-in ay -280 (Pacquiao) at +230 naman si Broner.
Itinalagang referee sa laban si Russell Mora ng Las Vegas, habang ang tatlong hurado ay sina Tim Cheatham (Las Vegas), Dave Moretti (Las Vegas) at Glenn Feldman (Connecticut).
262