‘BAKUNA BUBBLE’ PINAKAKASA NA SA NCR

ISINUSULONG ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang test implementation ng “bakuna bubble” sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila na mataas ang vaccination rates laban sa COVID-19.

Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na ang pagpapatupad ng “bakuna bubble” sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may high vaccination rates ay makapag-aambag sa vaccination program kasabay ng tamang paraan para buksan ang ekonomiya.

“We can implement the ‘bakuna bubble’ concept in an LGU in NCR with a high vaccination rate to test if the model will work,” ayon kay Concepcion.

Ani Concepcion, ang nasabing panukala ay maaaring ipatupad sa gitna ng surge.

Idinagdag pa niya kung ang “bakuna bubble” ay napatunayang gagana sa high-vaccination LGUs, ay maaari itong ipatupad sa NCR level.

Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahaharap sa usaping legal ang panukalang pagkakasa ng bakuna bubbles para ihiwalay ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa mga hindi pa bakunado.

Ito, ayon sa Kalihim ay dahil pasok sa nasabing hakbangin ang isyu ng diskriminasyon.

Sinabi ni Guevarra na mayroong valid medical reasons ang ilang tao kaya’t hindi dapat mabakunahan kontra COVID-19.

Binigyang diin pa ni Guevarra na ang panukalang pagkakaroon ng bakuna bubbles ay kailangan para protektahan ang mga nabakunahan na gayundin ang mga hindi pa natuturukan, himukin ang mga hindi bakunado para magpabakuna at makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

“For the entire Philippines to achieve higher vaccination rates, these Bakuna Bubbles have to likewise cooperate in vaccinating their members. These are small steps that will then accumulate,” ang pahayag naman ni Concepcion.

Ang tinatawag na “bakuna bubbles” ay “pockets of micro-herd immunity among closed groups, such as homes and workplaces.” (CHRISTIAN DALE)

144

Related posts

Leave a Comment