TUMATANGGAP na ngayon ang bansang Israel ng mga Pilipino at iba pang foreign tourists “as long as” fully vaccinated o nakatanggap na ng kanilang second dose sa nakalipas na anim na buwan.
“On the 1st of November this week, we opened for vaccinated tourists so anybody who is vaccinated can visit Israel. Filipinos are now welcome to visit Israel,” ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa isang panayam.
Maaaring bumiyahe ang mga turista sa Israel “individually or as a group” subalit pinapayuhan na i-check muna ang “specific entry guidelines and requirements” bago magpa-book ng kanilang flight at tour packages.
Aniya pa, ang mga byahero ay kailangan magpakita ng negatibong reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result na ginawa 72 oras bago pa ang departure at muling magpa-swab pagdating naman sa airport.
Matapos ang test, ang turista ay sasailalim sa mandatory quarantine hanggang ang resulta ay lumabas. (CHRISTIAN DALE)
