BALASAHAN SA PNP

NGAYONG may bago nang hepe ang pambansang pulisya sa katauhan ni PNP chief, P/Lt. Gen. Dionardo Carlos ay nagsimula na ring magpalitan ng posisyon ang iba pang mga opisyal ng ahensya.

Agad nanumpa si Police MGen. Rhodel Sermonia na magsisilbing kahalili sa nabakanteng puwesto ni Carlos.

Itinalaga si MGen. Sermonia, unang police general na hinirang ni Gen. Carlos, bilang bagong PNP Chief Directorial Staff.
Si Sermonia rin ngayon ang number 4-man ng PNP.

Pumalit naman kay Sermonia bilang Director ng Directorate for Operations si P/BGen. Valeriano de Leon na galing sa PNP Civil Security Group.

Si Sermonia ay kasapi ng Philippine Military Academy Makatao Class of 1989.

Inaasahan nang magkakaroon ng iba pang palitan ng puwesto upang mapuno ang mga bakanteng ­posisyon sa loob ng PNP.

Pero pagtitiyak ni Carlos, wala siyang gagawing ma­laking pagbabago sa organisasyon at sa halip ay paiigtingin ang mga programa ng mga sinundang hepe ng pambansang pulisya. Palalakasin din daw niya ang kampanya kontra ilegal na droga, kriminalidad at terorismo.

Tulad ng sinabi ng ­nagretirong si Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, tututukan din daw ni Carlos ang assessment sa performance ng bawat opisyal na siyang magiging basehan sa ipatutupad pang balasahan.

Sana ay maging epektibo si Carlos upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pulisya. Sa dami kasi ng kinasangkutang kontrobersya ng ahensya ay tila ba nasa kumunoy ito at hirap makaahon.

Isa sa mga dapat nilang tutukan ang ­pagsiguro na maayos ang proseso ng pag-aresto hanggang sa paghawak sa mga ebidensyang nakukuha sa mga suspek upang hindi mabalewala ang kanilang pagod.

Tulad na lang ng kontrobersyal na kaso ni Julian Ongpin na nabasura lang ng korte.

Si Gen. Carlos ang ika-27 PNP chief.

101

Related posts

Leave a Comment