BALASAHAN SA PNP NAKAUMANG KASUNOD NG PNPA HAZING

NAKAAMBA ang posibleng balasahan sa hanay ng mga senior PNP officers na maaaring maapektuhan ng rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detection Management na isailalim sa pre-charge investigation ang siyam na PNPA officials dahil sa naganap na hazing sa pamosong police academy.

“Ang layunin ng pagsasanay ay paghubog ng kakayahan at integridad, hindi takot o pananakit. Maging malinaw ito sa lahat—anomang uri ng pang-aabuso ay mahigpit na ipagbabawal at papatawan ng kaukulang aksyon,”

“Inuulit ko, walang puwang ang hazing sa ating hanay. Ito ay isang tahasang paglabag sa disiplina, dangal at sa ating paninindigan bilang mga alagad ng batas. Hindi natin ito kailanman palalampasin o hahayaan,” sabi pa ng heneral.

Samantala, tiniyak naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na makakasuhan at makukulong ang tatlong kadeteng sangkot sa pagmamaltrato sa 24 na plebo ng Philippine National Police Academy sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite kamakailan.

Kasabay ito ng pahayag na nadagdagan pa ang bilang ng mga sangkot sa nangyaring hazing sa higit 20 underclassmen ng PNPA, dahil may apat pang John Does ang inaalam ang naging partisipasyon sa insidente kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa unang tatlong sophomore na sangkot sa hazing.

(JESSE RUIZ)

80

Related posts

Leave a Comment