12K EMPLEYADO DELIKADO SA PAGPASOK NI ANG SA NAIA

NANGANGANIB ang trabaho ng may 12,000 empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ibigay ng gobyerno sa tycoon na si Ramon S. Ang ang rehabilitasyon nito.

Nangangamba si dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil tulad ng ibang public utilities na isinapribado, tinanggal ang mga empleyado at pinalitan ng sariling tauhan ng pribadong kumpanya.

“It may also result into job losses of around 12,000 NAIA employees and thousands of other concessionaire employees at the airport,” ani Gaite.

Kasunod ito ng anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakuha ng San Miguel Group ang P171 billion contract para sa rehabilitasyon ng NAIA.

Ayon sa dating mambabatas, lalong pinatibay ni Ang ang kanyang kapangyarihan dahil magiging dalawang pangunahing paliparan na ang nasa kanyang kontrol.

“This move makes billionaire Ramon Ang very powerful because he will have control over two major airports, including the New Manila International Airport in Bulacan as well as expressways like the South Luzon Expressway and Skyway,” ani Gaite.

Dahil dito, lalong pinagdududahan ng grupo ni Gaite ang nangyaring glitches sa NAIA sa nakaraan dahil ginamit umano itong dahilan para isapribado ang pangunahing paliparan sa bansa.

Imbes solusyunan aniya mismo ng gobyerno ang glitches ay isinapribado ang NAIA na bukod sa mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ay siguradong magmamahal ang serbisyo.

“Privatization has only given corrupt officials a means to amass wealth through bribes in the sale of underpriced government properties and condemning our people to private companies’ greed and the resulting expensive fare increases and unaffordable transport cost,” dagdag pa ni Gaite.

Kailangan aniyang busisiin nang husto ang pagsasapribado sa operasyon ng NAIA dahil nangangahulugan ito na nawalan ulit ng assets ang gobyerno sa ngalan ng pribatisasyon.

(BERNARD TAGUINOD)

46

Related posts

Leave a Comment