215 KATAO ARESTADO SA SACLEO SA BATANGAS

UMABOT sa 215 na indibidwal ang naaresto sa limang araw na isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations o SACLEO, ng Batangas Police Provincial Office simula Pebrero 15 hanggang 19.

Ayon sa report ni Police Colonel Samson B. Belmonte, Provincial Director Batangas PPO, 42 wanted persons ang naaresto sa bisa ng inihaing warrant of arrests, 12 dito ay tinaguriang most wanted persons (MWP) at 30 naman ang nabibilang sa other wanted persons (OWP).

Samantala, sa iba pang operasyon, 56 personalidad na sangkot sa ilegal na droga ang arestado at tinatayang 85 gramo ng shabu at 5 gramo ng marijuana ang nakumpiska na may kabuuang halagang umabot sa P578,600.

Umabot naman sa 85 katao ang nahuli dahil sa ilegal na sugal at 3 katao naman ang arestado laban sa illegal firearms.

Layunin ng naturang mga operasyon na mapaigting ang laban kontra kriminalidad, mapababa ang mga insidente ng paglabag sa batas sa buong probinsya ng Batangas at tutukan ang pagdakip sa maituturing na notoryus na mga personalidad.

(NILOU DEL CARMEN)

78

Related posts

Leave a Comment