3 PATAY SA SUNOG SA MALATE

TATLO ang namatay habang isa ang nasugatan sa sunog sa F. Munoz Street, Malate, Manila noong Huwebes ng gabi.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado 6:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay na yari sa light materials sa F. Muñoz Street, Malate.

Umabot ng ika-2 alarma at dakong 9:00 pasado nang ideklarang fire out ang sunog makaraang madamay ang tirahan ng mahigit 35 indibidwal.

Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay.

Ayon sa report ng BFP, mahigit kumulang sa 34 fire trucks ang nagresponde habamg apat na ambulansiya ang nakaantabay sa lugar.

Nagresponde rin ang 25 fire volunteers ng tumulong para maapula ang sunog

Tinatayang nasa P1,200,000 ang halaga ng pinsala ng sunog habang inaalam pa ng BFP kung ano ang pinagmulan nito.

(RENE CRISOSTOMO)

183

Related posts

Leave a Comment