4 PULIS SA ‘CRIME OF PASSION’ SINIBAK

KINASUHAN at sinibak sa pwesto ang magkalaguyong pulis at ang kanilang nilokong asawa na mga pulis din.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) chief, PCol. Jean Fajardo, pansamantalang inilagay sa restrictive custody ang tatlong pulis, habang ang nabaril naman ay kasalukuyang naka-hospital arrest.

Binaril umano sa braso ng lady cop ang kanyang pulis na mister nang tumalon ito mula sa sasakyan.

Lumitaw sa inisyal na impormasyon, tinangkang umiwas ng magkalaguyo matapos silang maaktuhan ng kani-kanilang asawa habang nagtatalik sa nakaparadang sasakyan sa parking area ng isang mall sa Calamba, Laguna.

Pinaalalahanan ng PNP ang kanilang mga miyembro na umakto nang tama alinsunod sa kanilang mandato at ‘principle of morality and professionalism’ na bahagi ng kanilang police officer’s pledge.

(JESSE KABEL RUIZ)

67

Related posts

Leave a Comment