PITO sa sampung Pilipino ang hindi umano kumbinsido kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. hinggil sa sistema ng pagtugon sa mabilis na pagsirit ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa isinagawang pag-aaral ng Pulse Asia .
Ito ay sa likod ng ulat naman ng Philippine Statistics Authority na mas bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong nakaraang taon.
Ayon sa Pulse Asia Survey, hindi kumbinsido ang pito sa sampung mga Pilipino sa aksyon ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Lumitaw sa pag-aaral na 73 porsyento ng mga Pilipino ang hindi aprubado sa pagtugon ng administrasyong Marcos sa nangyayaring pagtaas ng inflation sa bansa.
Habang nine percent lamang ang nagsabing aprubado sila sa aksyon ng gobyerno.
Dahil dito, sumadsad sa negative 64 ang net approval rating on controlling inflation ni Pangulong Marcos.
Tumaas ng 8.7 percent ang inflation sa bansa noong Enero 2023, ang pinakamataas sa loob ng 14 taon.
(JESSE KABEL RUIZ)
231