ACTING NFA CHIEF SINUSPINDE RIN SA RICE SCAM

NAGSIMULA nang gumulong ang hustisya sa maanomalyang rice deal.

Ito ay makaraang suspendihin ng Office of the Ombudsman ang acting chief ng National Food Authority (NFA) dahil sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stocks ng ahensya.

Pinatawan ng preventive suspension sina Piolito Santos na itinalagang acting NFA administrator noong nakaraan linggo at Jonathan Yazon, acting department manager para sa operasyon at koordinasyon ng NFA.

Kaugnay nito, nauna nang ipinag-utos ng Ombudsman ang pagpapataw ng preventive suspension laban kay NFA administrator Roderic Bioco at mahigit 100 empleyado ng ahensya dahil sa umano’y advantageous na bentahan ng rice buffer stocks.

Dahil sa mga suspension, babawiin muli ni DA chief Francisco Tiu Laurel Jr ang timon ng NFA.

Itinalaga rin ni Laurel si Director IV Larry Lacson bilang officer-in-charge deputy admin ng NFA para matiyak ang patuloy na operasyon ng ahensya.

(JULIET PACOT)

53

Related posts

Leave a Comment