‘ARESTO NOW, EXPLAIN LATER’ NG PNP BUBUSISIIN SA SENADO

INIHAIN ni Senador Risa Hontiveros ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang tinawag niyang illegal arrest laban kay Director Jade Castro at tatlong kasamahan nito sa Catanauan, Quezon.

Binigyang-diin ni Hontiveros sa kanyang Senate Resolution 928 na kahit kailan sa anomang panahon, mali ang “aresto now, paliwanag later,” na ginawa ng pulisya sa kaso ni Castro.

Ipinaalala ng senador na mismong mga lokal na opisyal na ng Mulanay, Quezon ang nagsabi na nasa kabilang bayan ang grupo nina Direk Jade nang mangyari ang panununog ng isang modern vehicle na pinatunayan ng CCTV footages.

Subalit iginigiit ng PNP na hindi maaaring pagkatiwalaan ang CCTV ng lokal na pamahalaan.

Iginiit ni Hontiveros na nakaaalarma ang pahayag na ito mula sa mga tagapagpatupad ng batas at nakakabawas ng tiwala ng publiko.

Binigyang-diin ng senador na kailangang mabusising mabuti ang insidente upang lumabas ang katotohanan.

(DANG SAMSON-GARCIA)

48

Related posts

Leave a Comment