CAVITE – Sugatan ang isang incumbent barangay chairman nang laslasin sa baba ng kapartido at kasama sa pagtakbo bilang barangay councilor, na nakaalitan dahil sa resulta ng nakaraang BSK election sa Cavite City, noong Martes ng umaga.
Nilalapatan ng lunas sa Cavite Medical Center ang biktimang si alyas ‘Rodel’, 51, incumbent chairman ng Brgy. dalahican, Cavite City, dahil sa laslas ng kutsilyo sa kaliwang baba.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Ateng’, 73, incumbent barangay councilor sa Cavite City.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Benson Cauntay ng Cavite City Police, ang biktima at suspek ay magkapartido at kapwa tumakbo bilang barangay councilor sa Cavite City noong nakaraang October 30 BSK election.
Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa nang magpanagpo sila sa Arnaldo 2 St., Barangay 1, Dalahican, Cavite dahil sa resulta noong nakaraang halalan sa nasabing lugar, hanggang sa naglabas ng kutsilyo ang suspek at nilaslas ang kaliwang baba ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
262