BUKOD sa baril, nahulihan din ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang lalaki ng bulto-bultong smuggled cigarettes sa Davao City.
Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nasakote sa ikinasang police operation ang suspek na kinilalang si Tapsaren Alibasa,
47-anyos, residente ng Hagonoy, Davao del Sur.
Una rito, nagsagawa muna ng intelligence operation ang mga tauhan ng Davao City Police matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa modus operandi ni Alibasa na sinasabing armado.
Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P27 milyon, Nahulihan din ang suspek ng isang .45 caliber pistol na puno ng bala bukod sa 690 karton ng smuggled cigarettes.
Nasa kustodiya na ng Hagonoy Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong kahaharapin nito.
Noong Enero, nasa 1,020 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P28,872,000 ang nasamsam din sa Davao International Container Terminal (DICT). (JESSE KABEL)
183