Big labor groups tutol din PAGKONTRA SA CHA-CHA PATULOY NA LUMALAKAS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NADAGDAGAN pa ang mga naghahayag ng pagtutol sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pagkakaisa ng mga grupo ng manggagawa.

Katunayan, magdaraos ng labor forum ang mahigit isang daang labor leaders na kumakatawan sa labor unions at mga organisasyon, ngayong araw, Pebrero 22, sa UP Solair Air (UP Diliman, School of Labor and Industrial Relations) Auditorium.

Pakay ng talakayan ang panukalang pagbabago sa 1987 Constitution (Cha-cha).

Sa kasalukuyan, iba’t ibang kampo ang naglabas ng mga argumento hinggil sa Cha-cha, partikular ang pag-aalis sa ‘protectionist provisions’ ng konstitusyon na naghihikayat sa foreign investment sa bansa.

Ngunit ang nakalatag na people’s initiative na inilunsad ng House of Representatives, ay nakatuon lamang sa paraan ng pagboto ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang constituent assembly.

Ang hakbang na ito ay lalong nagpatibay sa pagdududa na ang motibo sa Cha-cha ay pulitikal kaysa tungkol sa ekonomiya, na para lamang sa interes ng mga dinastiya at oligarko, imbes na para sa kapakanan ng bansa.

Kumpirmadong dadalo sa forum sina Senator Risa Hontiveros, Representative Arlene Brosas, at FDC president and former UP SOLAIR dean Rene Ofreneo.

Kabilang din sa posibleng dumalo ang labor leaders mula sa iba’t ibang samahan, tulad nina Luke Espiritu (President of Bukluran ng Manggagawang Pilipino), Jerome Adonis (Secretary-General of Kilusang Mayo Uno), at Atty. Ernesto Arellano (President of National Confederation of Labor).

Idideklara ng mga lider ang kanilang pagkakaisa laban sa Cha-cha sa pagtatapos ng nasabing programa. Iaanunsyo din nila ang mga plano ng broad labor para sa nagkakaisang aksyon hinggil sa paggunita sa EDSA People Power sa Pebrero 25.

47

Related posts

Leave a Comment