CANADA-PH DEFENSE DEAL INAASAHAN SA ENERO

UMAASA ang Canada at Pilipinas na mapipirmahan ng mga ito ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa defense cooperation sa Enero 2024.

Isang kasunduan na makapagbubukas ng oportunidad para sa isang visiting forces agreement (VFA).

Sa isang panayam, sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na tinapos na ng dalawang gobyerno ang “final language” ng kasunduan at umaasa na matitintahan ito “very early in the new calendar year.”

“Our minister has talked about, let’s explore next a visiting forces agreement, right? So, once we have this defense MOU under our belts, then that will allow us to open up a whole world of opportunities,” ayon kay Hartman.

Idinagdag pa niya na ang posibleng VFA kasama ang Pilipinas ay maaaring pinakabagong Canada na mayroon sa Asya kapag inilipat na nito ang pagtuon sa Indo-Pacific.

Ang Pilipinas ay mayroong visiting forces agreements sa Estados Unidos at Australia, nagbibigay ng legal framework para sa presensya ng puwersa ng bansa sa iba.

Nauna rito, nagdesisyon naman ang Maynila na simulan ang negosasyon para sa kahalintulad na kasunduan sa Japan, tatawaging Reciprocal Access Agreement.

Naniniwala si Hartman na ang Canada ay magiging “very stalwart partner” ng Pilipinas kapwa sa counter terrorism at territorial defense.

Hindi naman nito isinasara ang pintuan para sa “future joint patrol” kasama ang Pilipinas sa South China Sea.

(CHRISTIAN DALE)

112

Related posts

Leave a Comment