Niraratsadang House reso pabor sa ICC PLAN B NI REMUALDEZ VS DUTERTES – ROQUE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MATAPOS hindi umubra ang pinalutang na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, pumaling naman ang grupo ni House Speaker Martin Romualdez sa kanilang ‘plan B’.

Ito ang pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa magkakasunod na resolusyong inihain sa Kamara na nananawagan sa pamahalaan na suportahan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban sa drug war ng administrasyong Duterte.

Kinuwestyon din ni Roque ang nasabing hakbang ng Kamara at sinabing naniniwala siyang suportado ni Romualdez ang pagkilos ng mga kapwa niya kongresista.

“Dinenay na ni Speaker, pero malinaw po sa akin ang script. Alam nila ang posisyon ng Presidente, ganyan din naman ang posisyon ng Secretary of Justice. Anong gagawin nila kung gusto nilang pabaliktarin? Mag-aplay ng pressure sa panahon na hindi pa po tapos ang budget ah,” bahagi ng pahayag ni Roque sa kanyang programa sa SMNI.

“Kaya ngayon hinain yang resolusyon na yan para magkaron ng dahilan yung Sec. of Justice na bumaliktad sa mga nauna nyang sinabi. Hindi ko lang alam kung kasama talaga si Sec. Remulla sa script na yan. Pero sa mga binabanggit nya, binibigyan nya talaga ng importansya yung mga resolusyon na hindi pa naman naipapasa maski ipasa naman ‘yan wala namang bisa yan. Dahil kinakailangan mapasa pa rin ng Senado pero that is the sense of the House na sa panahon ng budget hindi mo pupuwedeng mabalewala,” aniya pa.

Matatandaang umusad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na humihikayat sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makipagtulungan sa ICC sa kanilang imbestigasyon sa war on drugs ni dating presidente Rodrigo Duterte.

Kamakailan ay sinimulan na ang joint hearing ng House committee on justice at committee on human rights para dinggin ang tatlong resolusyon na nakahain sa Kamara na humihikayat sa gobyernong Marcos na payagan na ang ICC investigators na mag-imbestiga sa bansa.

Kabilang dito ang House Resolution (HR) 1482 na inakda ni Liberal Party (LP) at Albay Rep. Edcel Lagman; HR 1477 ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., chairman ng human rights committee at HR 1393 ni House deputy minority leader France Castro.

Ayon kay Lagman, bilang dating miyembro ng ICC, kailangang tumulong ang gobyernong Marcos lalo na’t ang iniimbestigahan ay mga krimeng naganap mula noong November 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019 kung saan naging pinal ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.

96

Related posts

Leave a Comment