CHANGE OF LEADERSHIP SA SENADO UMUGONG MULI

NANINIWALA ang ilang senador na kagagawan lamang ng mga may motibong manggulo sa Senado ang impormasyon na may nagnanais palitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang lider ng Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Senador Nancy Binay, nais lamang ng mga may motibong pag-away-awayin ang mga senador ang pagpapalabas ng impormasyon.

Pinagdudahan pa ni Binay ang sinasabing 11 senador na ang pumayag na lumagda sa resolusyon upang hilingin ang pagpapalit ng lider ng Senado.

Sa panig ni Senador JV Ejercito, iginiit na tsismis lamang ang naturang impormasyon dahil lahat sila ay kuntento sa liderato ni Zubiri.

Marso noong isang taon unang umugong ang balitang pagsipa kay Zubiri bilang pinuno ng Senado. Hindi nahinto ang usap-usapan hanggang noong Hunyo ng nasabi ring taon.

(DANG SAMSON-GARCIA)

38

Related posts

Leave a Comment