Pera ng BSP masisimot sa mga Marcos – netizens P18-B CONVENTION HALL PROJECT NI FL LIZA PANIBAGONG WALDAS PERA

DISMAYADO ang mga netizen sa panibagong pagkakagastusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maliwanag anilang hindi napapanahon at pagsasayang sa pera ng bayan.

Mula sa P50 bilyong pondo para sa Maharlika Investment Fund ay popondohan pa rin ng BSP ang pag-develop sa malawak na exhibition and convention center sa Cultural Center of the Philippines (CCP) complex.

Layon umano ng panukalang Philippine International Exhibition Center (PIEC), pet project ni First Lady Liza Araneta-Marcos, na mapataas ang antas ng ‘competitiveness’ ng bansa para makalahok sa umuusbong na merkado para sa MICE o meetings, incentives, conventions and exhibition.

Maaari rin nitong maiposisyon ‘competitively’ ang Pilipinas sa ASEAN counterparts nito, na nagpalago sa kanilang exports makaraang magtatag ng permanent facilities para suppliers, exhibitors, at buyers.

Base sa dokumento na nakuha ng Bilyonaryo.com, ang BSP ay inatasang maglaan ng kailangang P18 billion para sa PIEC’s construction, na pamamahalaan ng Philippine International Convention Center na pag-aari ng BSP.

Si Architect William Ti Jr. ang napiling maging planner and designer para sa PIEC na tinaguriang “Ciudad del Fiera.”

Ang BSP ay nakaupo rin sa board ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) kung saan ay naatasan ng First Lady na hawakan ang konstruksyon ng world-class facility para maipakita ang Philippine products at magsagawa ng major conventions.

Gayunman, hindi pabor ang publiko sa nasabing proyekto dahil hikahos ang nakararaming Pilipino.

Sa social media, kinastigo si FL Liza at inakusahang nagsasayang ng pera ng bayan. Lalo ring nadagdagan ang pagkainis ng mga netizen sa pagiging gahaman umano ng mga Marcos.
Basahin ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

Adel:

Hindi tatantanan ang kaban ng bayan ng mga Marcos hanggat kaya ng kanilang kapangyarihan, pagsasamantalahan at aabusuhin. They don’t enter politics to serve the country but, to protect and advance their personal interests and agendas. Pathetic and deplorable!

Alto:

Another case of waldas pera and possible source of corruption being cooked up. We already have enough exhibition/convention sites around the CCP complex. But what can we expect with a admin led by someone who is perpetually tied to corruption.

Rob:

Mispriority, bbm pa more.

pjr:

The design is so Imeldific

Jing and Jerry:

Balak ng mga Marcoses lumangoy sa pera.hindi mabibili ng pera ang empyerno!!@bongbongmarcos diba kayo nakakarma?

Clark:

This family does not know what to prioritize. And it’s still their second year yet

It’s DM3:

18 billion for another building that will be rarely used!!! Gaahh!!

Eliezer:

Hayan na naman kayo .. pagkakaperahan na naman, mga padded cost

dave:

But, actually, sinong choice natin? Si Sara “125 million in 11 days” Duterte? It’s scary but it seems we are doomed.

Rhoneil:

Ayaw talaga tantanan ang KABAN NG BAYAN hanggat di nasasaid.

Gee Ens:

Misguided ang priorities ni Pres. Marcos. Puro panlabas & do not touch the very core needs of the people. Zero ang budget for major infras but willing gumastos ng bilyones for exhibition center that private commercial companies can provide. Vietnam is getting way way ahead of us.

cinecinecine30:

bakit ayaw nila sa private sector? di ba ang sabi ni madam president liza marcos ay palalakasin nila ang uganayan ng govierno at mga barkada nila sa private sector.

46

Related posts

Leave a Comment