CONGRESSMAN HAGEDORN PUMANAW NA

PUMANAW na kahapon ng umaga si Palawan 3rd District Rep. Edward Solon Hagedorn sa edad na 76.

“With heavy hearts, we inform you of the passing of a beloved friend, brother, husband, father, and public servant, Edward Solon Hagedorn. Our dear Congressman died peacefully on October 3rd, 2023, after 76 years of shining his light into the world,” ayon sa post sa official Facebook account ng mambabatas.

Ayon sa staff ng mambabatas na si Janica Lim, nasa Puerto Princesa, Palawan si Hagedorn nang pumanaw subalit hindi idinetalye ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Si Hagedorn ay naging mayor ng Puerto Princesa City, Palawan noong June 30, 1992 hanggang June 30, 2001 at muling naupo sa nasabing puwesto mula November 12, 2002 hanggang June 30, 2013 bago naging kongresista.

Noong 1995, naging tanyag ang mambabatas sa buong bansa dahil sa pelikulang “Hagedorn” na dinerehe at ginampanan ng tinagurian King of the Philippine movie na si Fernando Poe Jr., o mas kilala sa FPJ.

“Cong. Ed’s life speaks volumes, particularly in his role as a champion for the environment, tourism, agriculture, and peace and order. His efforts created inclusive spaces for the community and inspired a collective desire for change. It’s hard not to be infected by his energy and laughter, which he freely shares with everyone he encounters,” ayon pa sa FB post.

“On behalf of Cong. Ed, his family, staff and closest kin – we extend our heartfelt gratitude to all of you for your love and support, for joining us in celebrating his wonderful life, and most importantly…for being witnesses to the remarkable journey he lived with such zest”.

Sinabi ng tanggapan ng mambabatas na pinag-uusapan pa ang detalye ng kanyang burol.

Agad namang nagpahatid ng pakikiramay ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ng mambabatas na vice chairman ng House committee on West Philippine Sea (WPS) at nawalan umano ang Kamara, hindi lamang kasamahan sa trabaho at kaibigan kundi isang miyembro ng pamilya.

“We are deeply saddened by the loss of our cherished colleague, Rep. Edward Solon Hagedorn. More than his roles in the political arena, Cong. Ed was a guiding light and inspiration to many of us personally.

His passion for the environment, tourism, agriculture, and peace was not just a professional pursuit, but a reflection of his soul,” ayon sa statement ni House Speaker Martin Romualdez.

(BERNARD TAGUINOD)

51

Related posts

Leave a Comment