Crime rate tumataas sa Marcos admin ADIK, PUSHER NAGBALIKAN – ATTY. PANELO

TALIWAS sa pahayag ng Malakanyang na nabawasan ngayon ang krimen, sinabi ni Atty. Salvador Panelo na nangangamba na naman ang publiko dahil sa tumataas na krimen.

Sa kanyang programa sa SMNI, sinabi ng dating Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng Duterte administration na naputol ang masigasig ng kampanya noon laban sa droga.

“Ang hinahanap kasi ng tao, yung continuity ng drug war. Ang ginawa ng administration, sabi nila nag-concentrate kami sa rehabilitation. Mahina ang pagpapatupad dyan sa batas laban sa sindikato ng droga. Ay nagbabalikan ngayon ang mga drug pushers, mga addicts. Kaya makikita mo yun mga tao nangangamba na naman lumakad sa kalsada. Tumataas na naman ang crimes committed by criminals,” pahayag ni Panelo.

Sa oath-taking ceremony ng newly promoted officials ng Philippine National Police (PNP) sa Palasyo ng Malakanyang nitong Lunes, Marso 18, pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘uniformed men’ ng gobyerno sa pagpapanatili ng ‘good performance’ sa pagtugon sa kriminalidad sa bansa sa pagsisimula ng taon.

Nagawa aniya ng mga ito nang maayos ang kanilang tungkulin na hindi napapasama ang “rule of law.”

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na 98% ng crime clearance efficiency na naitala noong 2023 ang napanatili ng PNP sa pamamagitan ng patuloy na krusada sa unang dalawang buwan ng 2024.

“Compared to January to February of last year, there were fewer cases of theft, robbery, carnapping, rape, and physical injury,” ayon sa Pangulo.

“And we have done it without resorting to legal shortcuts, or short-circuiting the process or acts that subvert the rule of law,” dagdag na wika nito.

Pinuri rin ng Pangulo ang pagbaba ng insidente ng human rights violations ng 50% noong 2023 kumpara noong 2022.

“It only proves that rules strengthening the fabric of democracy are not inconveniences but integral and indispensable tools in serving justice,” aniya pa rin.

Ayon sa Pangulo, ang bilang ng krimen na nangyari sa bansa ay bumaba sa 198,617 sa ‘first full year” ng kanyang administrasyon mula 207,143 noong 2022. Sinasabing mas mababa rin ito sa 295,382 na naitalang krimen noong 2017.

“Index crimes have gone down threefold in the same period. From 107,899 in ’17 to 38,436 last year,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabila nito, ayon sa Pangulo, hindi dapat maging kampante ang PNP.

Nitong Pebrero, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na nagkaroon ng “improvement” sa crime statistics ng bansa, ngunit nananatili ang pangangailangan para sa PNP na ituon ang pansin sa pagtugon sa cybercrimes.

“Although seemingly nakita natin na nag-improve ‘yung crime statistics—it went down by 10 percent—but as we dissected further this crime statistics, there is a need for us to focus on cyber crimes,” ayon kay Acorda.

Base sa National Peace and Order Situation report na ipinresenta ni Acorda sa Pangulo, ang kabuuang bilang na iniulat sa pagitan ng July 1, 2022, at January 31, 2024, o peace and order indicator, bumaba ang nagawang krimen ng 10.66% kumpara sa panahon ng December 1, 2020 hanggang June 30, 2022.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

35

Related posts

Leave a Comment