CONVENIENCE STORE SA BACOOR, HINOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang dalawang kalalakihan na nangholdap sa isang convenience store sa Bacoor City, noong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang pumasok ang dalawang suspek sa convenience store sa Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite at nagpanggap na mga customer.

Ilang sandali lang ay nilapitan ng mga suspek sina alyas “Angel”, 24, at “Angelo”, 20, kapwa service crew, tinutukan ng ice pick, at nagdeklara ng holdap saka kinulimbat ang tinatayang P15,000 cash na kita ng tindahan.

Matapos ang insidente ay naglakad lang na tumakas ang mga suspek sa ‘di mabatid ng direksyon.

Nagsasagawa naman ng backtracking sa CCTV ang mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

48

Related posts

Leave a Comment