DRUG GROUP MEMBER TIMBOG SA P204K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang miyembro ng Timosa drug group at kapwa nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya matapos naaresto at makumpiskahan ng mahigit P200K halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Sob”, 18, at alyas “Erick”, 26, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na piraso ng sachet ng hinihinalang shabu na may timbang ng 30 gramo at may street value na P204,000, buy-bust money at cellphone.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment