E-BIKES, E-TRIKES HINDI MUNA HUHULIHIN

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na bigyan ng palugit ang e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan na dumadaan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila.

Naniniwala ang Pangulo na kailangan pang magbigay ng sapat na panahon para sa malawak na pagsisiwalat ng impormasyon kaugnay sa ban na ipatutupad ng gobyerno.

Base na rin sa rekomendasyon na kanyang natanggap, mananatiling bawal ang mga natukoy na sasakyan sa ilalim ng MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024 sa mga piling pangunahing lansangan.

Sinasabing ang sakop ng grace period ay ang hindi pag-ticket, pagmulta at pag-impound ng mga e-trike.

“Kung paparahin man sila, ito ay upang maayos na maituro ang mga kalsadang maaari nilang gamitin, pati na ang pagpapaalala ng mga bagong patakaran na ipinapatupad upang paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan,” ayon sa post ng Pangulo sa kanyang X account (dating Twitter).

(CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment