ROQUE NAGPATUTSADA SA ‘BIGGEST DRUG HAUL’ NG MARCOS ADMIN

PINATUTSADAHAN ni dating Presidential spokesman Harry Roque ang itinuturing ng administrasyong Marcos Jr. na biggest drug haul sa Batangas.

Ayon kay Roque, kaduda-duda ang pagkakahuli sa umano’y droga na nasabat sa checkpoint sa bayan ng Alitagtag.

“Halatang-halata naman yan, kung biggest drug haul bakit ka magpapa-checkpoint. Yung mga nag-checkpoint bakit nila alam na shabu yun? Usually yan ay nagkakaroon talaga ng specialized training para malaman kung ano yun shabu at saka dinadala kaagad yan sa laboratoryo para ma-confirm na shabu nga siya, pero bakit alam nung mga ordinaryong nagche-checkpoint na shabu nga siya,” litanya ng dating tagapagsalita ni ex-President Rodrigo Duterte.

Dahil aniya sa mga nabanggit na pangyayari ay nagdududa ang taumbayan.

Kaugnay nito, nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga lamang ng Php9.68 billion na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas.

Ito ay matapos ang official inventory sa mga nakumpiskang ilegal na droga.

Lumalabas na may kabuuang bilang na 1.4 tons at hindi 2 tons ang kargang shabu ng van na hinarang ng mga pulis.

Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ang naunang figure na mahigit Php13.3 billion ang nasabat na droga ay pagtaya lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) base sa itsura at laman ng mga sakong kanilang nasamsam.

39

Related posts

Leave a Comment