RUMESBAK si ex-Congressman Carlo Lopez kay Secretary Bernie Ang kaugnay ng alegasyon ng huli na natalo ang mga Lopez sa Maynila dahil umano sa “expose” ni Atty. Alex Lopez sa malawakang korapsyon sa Manila City Hall.
Hindi na nakapagpigil ang dating kinatawan ng distrito 2 na kilalang tahimik at hindi mahilig sa publicity kaya nagsalita na ito hinggil sa usapin. Napikon ito at hindi na pinalampas ang mga satsat ni Ang na natalo ang magpinsan na Manny at Carlo Lopez sa nakalipas na May elections dahil sa pag-‘Marites’ ni atorni sa mga anomalya sa city hall.
Ayon kay Cong. Lopez, isa sa pinakadahilan kung bakit umarangkada sila sa electoral defeat ay ang massive vote buying at massive election fraud.
“More than 30 candidates from all parties except Asenso candidates signed a manifestation condemning the massive election fraud in the local elections in the City of Manila. Alex’s exposure of corruption in city hall is his duty and the people of Manila support him. Evidence of more corruption was exposed by Atty. Lopez, people of Manila benefits as checks and balances are important in any democracy,” pahayag ni Cong. Lopez.
Si Cong. Carlo ay pinsan ng magkapatid na Manny at Atty. Alex Lopez. Si Bernie Ang ay isa sa mga kinasuhan ng Divisoria vendors sa Ombudsman kasama si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at dating vice mayor na ngayo’y alkalde na si Honey Lacuna at iba pang city councilors kaugnay sa ‘sikretong’ bentahan ng Divisoria Public Market. (JULIET PACOT)
