FL Liza dinawit sa manipulasyon ng 2022 polls BBM ‘ILLEGITIMATE’ PRESIDENT – CHONG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINDI lehitimo ang panalo sa nakaraang 2022 elections ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil produkto ito ng manipulasyon.

Ayon ito sa dating mambabatas na si Atty. Glenn Chong nang magsalita siya sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Martes.

Inakusahan ni Chong ang mag-asawang Marcos at Liza Araneta na minanipula ang halalan kaya nanalo.

“I don’t recognize this man [PBBM] as legitimately elected by the people,” ani Chong.

Aniya pa, kung may hiya ang Pangulo ay dapat itong bumaba sa pwesto.

“Marcos, kung may hiya ka sa sarili mo bumaba [sa puwesto] dahil minanipula mo ang election system noong 2022,” akusa pa ng isa sa mga dating tagasuporta ng Pangulo.

“Ulitin ko, Marcos Jr., wala kang moral authority to lead this nation dahil minanipula ng asawa mo at ikaw ang Smartmatic election system at nandoon ako no’ng inamin ng asawa mo na magme-meeting kayo ng may-ari ng Smartmatic,” pagbabahagi pa ni Chong.

Samantala, nitong Martes ay lumahok din sa prayer rally ang mag-amang Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Noong Lunes ay nagbigay ng mensahe si VP Sara bilang suporta kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally ay magpapatuloy hanggang sa Marso 15.

29

Related posts

Leave a Comment