PLANONG TERM EXTENSION NI MARCOS SINOPLA NI DU30

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MULING bumanat sa Marcos administration si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihing term extension ang tunay na pakay sa pagsusulong ng Charter change.

Ayon kay Duterte, dahilan lang ng Marcos admin ang economic provisions sa Konstitusyon dahil ang talagang puntirya nila ay manatili sa pwesto.

Itinuring din ng dating pangulo na kababuyan ang pag-amyenda sa Saligang Batas kaya’t hinimok ang publiko na tutulan ang Charter change.

Sa Senado, inihain na ang panukalang batas bilang enabling law sa pamamagitan ng people’s initiative (PI) upang parusahan ang gumagamit o nangangako ng pera kapalit ng lagda tulad ng pekeng PI na isinulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa pahayag, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kanyang inihain ang panukalang Senate Bill 2595 o ang People’s Initiative and Referendum Act of 2024 kapalit ng Republic Act 6735.

Aniya, naisabatas ang RA 6735 noong 1994 pero idineklarang “inadequate” ng Supreme Court na sakupin ang sistema ng inisyatiba sa pag-aamyenda sa Saligang Batas at nabigong magbigay ng sapat na pamantayan sa kasunod na batas para sa Commission on Elections.

32

Related posts

Leave a Comment