HEPE NG TANOD PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang hepe ng barangay tanod ng Brgy. Cogunan sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan, matapos pagbabarilin habang patungo sa barangay hall noong Martes ng gabi.

Subalit bago nalagutan ng hininga ang biktima ay nasabi nito kung sino ang bumaril sa kanya.

Ayon sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Hilario Rodriguez, 53, nang pagbabarilin ng suspek gamit ang .45 kalibreng baril, hindi na kalayuan sa barangay hall.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Nakita naman ng isa pang barangay official ang biktima na nakabulagta sa lupa at agad sinaklolohan.

Ayon sa report, naisigaw pa ng biktima na isang nagngangalang Victor Bayoneto alyas “Suro” ang bumaril sa kanya.

Isinugod sa Jabez Hospital sa town proper ng Nasugbu ang biktima subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

(NILOU DEL CARMEN)

114

Related posts

Leave a Comment