HIGIT 305,000 KATAO APEKTADO NG BAGYONG GORING – NDRRMC

UMABOT na sa 305,481 indibidwal o 85,395 pamilya ang apektado ng Tropical Cyclone Goring.

Sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na ang mga apektadong tao na iniulat ay mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa apektadong populasyon, 8,021 katao o 10,468 pamilya ang nananatiling nanunuluyan sa 469 evacuation centers habang 30,702 katao naman o 7,880 pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar.

Isang katao naman ang nawawala sa gitna ng pananalasa ni Goring.

May kabuuang 247 bahay naman ang napaulat na napinsala kung saan 162 ang partially damage habang 85 naman ang totally damage sa Ilocos, Cagayan, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at CAR.

“Damage to infrastructure worth P41,175,000 was reported in Cagayan, Mimaropa, Western Visayas, and CAR,” ayon sa NDRRMC.

Patuloy naman ang power supply interruptions sa limang apektadong lugar sa Cagayan, Calabarzon, at Western Visayas. Ang problema naman sa water supply ay naranasan sa dalawang lugar sa Calabarzon at Western Visayas.

Dalawa sa anim na canceled domestic flights sa Cagayan ang nagpatuloy na.

Bunsod naman ng suspended operations ng 76 seaports, 60 pasahero, 10 vessels, at apat na motorbancas ang stranded sa Calabarzon at Western Visayas.

May kabuuang 186 classes at 50 work schedules ang sinuspinde dahil kay Goring.

Ang halaga ng tulong na naibigay na sa mga biktima ay umabot na sa P11,002,449, ayon sa NDRRMC.

Walang pasok

Kahapon, sinuspinde ang pasok sa eskwela hindi lang sa Metro Manila dahil sa masamang lagay ng panahon na epekto ng habagat at Bagyong Goring.

Ayon sa NDRRMC, aabot sa 186 paaralan ang nagsuspinde ng pasok mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

May ilan ding nagsuspinde ng trabaho.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente lalo na sa flood at landslide-prone areas.

(CHRISTIAN DALE)

312

Related posts

Leave a Comment